Batid natin ang kahalagahan ng mapa para sa mga manlalakbay na umaasa sa wastong direksyon, subalit malaki rin ang naitutulong ng mga ito upang ikwento ang kasaysayan ng isang bansa. Sa bawat islang makikita natin sa mga antigong mapa, isinasalaysay sa atin ng mga mandaragat ng unang panahon ang kwento ng kanilang pagdiskubre sa daigdig.
Ang pormal na pagbubukas ng eksibit nina Dr. Vicente K. Fabella, Pangulo ng JRU, at Bb. Maria Isabel Ongpin, curator ng PHIMCOS. |
![]() |
Tabula moder. Indiae Orientalis. Galing ang larawan sa https://www.digitalcommonwealth.org/search/commonwealth:9g54xj964 |
Gayundin ang "Indiae Orientalis" noong 1581, kung saan hindi makikita ang itaas na bahagi ng Pilipinas dahil Visayas at Mindanao pa lamang ang nadidiskubre.
![]() |
Abraham Ortelius, Indiae Orientalis, 1581. Galing ang larawan sa https://www.raremaps.com/gallery/detail/19001/Indiae_Orientalis_Insularumque_Adiacientium_Typus/Ortelius.html |
Pinagmamasdan ng mga guro ng unibersidad ang mga lumang mapa ng Pilipinas mula sa Dr. Armand V. Fabella Map Collection. |
Sa loob ng tatlong linggo, iba't-ibang mga estudyante ng unibersidad ang dumalaw sa Main Library upang saksihan ang mga lumang mapa. Kaakibat ng programa, nagsilbing mga tour guides sina G. Jevy Abunan, librarian, at Bb. Hannah Costas, Book Buddies Club president, para sa mga mag-aaral ng elementarya at hayskul. Ilang mag-aaral ang nagbigay-katanungan ukol sa mga namumukod-tanging mapang naroon, at pagkatapos ay masayang nagsipagkuhaan ng group pictures bilang tanda ng kanilang pagdalo sa okasyon. Natapos ang exhibit noong Setyembre 15, 2015.
Mabuti ang naging pagtanggap ng mga nagsipagdalo sa ginawang pagtatanghal. Inaasahan na ang eksibit ay isa lamang sa marami pang aktibidad na magtatawid ng nakaraan sa kasalukuyan.