TY - BOOK AU - Julian, Ailene Baisa AU - Lontoc, Nestor S., AU - Jose, Carmela Esguera, TI - Pinagyamang pluma SN - 9789710643370 U1 - 899.21109 PY - 2017/// CY - Quezon CIty PB - Phoenix Publishing House KW - Language and Literature KW - Literature KW - Philippines. KW - Filipino language N1 - "Alinsunod sa K to 12 Curriculum" --Cover and title page; "Phoenix publishing House" --Cover and title page; "ICT enhanced" --Cover and title page; Includes bibliography (pages 717-718); Young Adult N2 - "Ang Pluma ay higit na makapangyarihan kaysa tabak." Sa maraming pagkakataon sa ating kasaysayan, napatunayan ang kapangyarihan ng pluma o panulat bilang instrumento ng pagbabago. Ang PLUMA ay sumasagisag sa isang taimtim na panalangin at mithiing ang serye nawang ito ay maging instrumento sa paglinang ng kabataang hindi lamang mtatalino kundi maka-Diyos, may mabubuting kalooban, handa sa hamong dala ng totoong buhay, at kapaki-pakinabang sa kapwa, sa kalikasan, at sa bayan. Ang edisyong ito ng Pinagyamang PLUMA Wika at Panitikan para sa Ikapitong Baitang (Ikalawang edisyon) ay nakabatay sa K to 12 Dokumentong Pangkurikulum sa Filipino ng Kagawaran ng Edukasyon. Bukod sa maingat na nasunod at napagyaman pa ang bawat istandard at kompetensing itinatadhana ng kurikulum ay tiniyak ng mga may-akdang ang aklat ay magiging hitik sa mga pagsasanay at gawaing angkop sa kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging integratibo, makabuluhan, napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng kritikal at mapanuring pag-iisip, at nakapaghahanda sa mga mag-aaral sa mga pagsubok at realidad ng totoong buhay. Higit sa lahat ang mga pagsasanay at pagtatayang inilaan sa bawat aralin ay inaasahang makalilinang ng ganap at makabuluhang pagkatuto ng mga mag-aaral at makapaghahanda sa kanila sa mga hjamon ng totoong buhay hindi lang ngayon kundi sa mga darating pang panahon Makikita sa mga susunod na pahina ang ilang bahaging hinango mula sa iba't ibang aralin sa aklat. Ipinakikita sa mga ito kung paano binalangkas ang bawat bahagi ng aklat upang malinang at maisakatuparan ang mga layuning nabanggit para mga mag-aaral na gagamit nito." --[Preface] ER -